That Thing Called “WAHM”

Mar 20

That Thing Called “WAHM”

Where do Confused Moms Go?

Ano ba pipiliin, A. Maging full time mommy or B. Maging working mom?

Hindi mo na kailangan pumunta ng Baguio para mag-isip. Ang sagot ay C, Maging WAHM.

Ano ba ang WAHM? Paano ba maging WAHM?

WAHM or work-at-home-mom enjoys the flexibility of earning while also being a hands-on mom. Sounds sweet, right? Eto yung mga Mommy na pinili pareho ang career at ang pagiging “homemaker”. Sila yung “crossbreed” ng Working Mom at Stay-at-Home Mom. Hehehe

Sa tanong na Paano ba maging WAHM? Well, as a work-at-home for 8 years and a WAHM for almost 5 years, I can share some helpful tips especially for moms out there who want to have the same work set-up as mine.

Know Your Strengths & Your Skills. Super Mommy ka Ba?

Marami ang pwede na maging trabaho online, ang kailangan lang ay malaman mo kung saan ka ba magaling. Magaling ka ba magsulat ? Mag design? O mahilig ka ba sa social media, magaling research, administrative skills? O di naman kaya, mabilis matuto at internet savvy? Kung alam mo saan ka magaling at nababagay, madali na lang sayo ang pag-hanap ng trabaho na magiging confident ka. Kung wala kang background, don’t worry! Read on for my other tips.

Mag Research Muna Kahit Walang Time

We have the internet to thank for that gives us opportunity to work at home. Gamitin din ang internet para mag research ng mga posibleng trabaho na babagay saiyo. Alamin mo, ano ba ang mga trabaho na palaging hinanap? Saan ka bas mas kikita? Ano ang mga demands ng isang trabaho online? Kasi kahit alam mo na kung ano ang skills mo, baka kailanganin mo pa rin na iimprove o palawakin ang iyong kaalaman para maging “profitable” ka.

Palawakin ang Iyong Field. Tandaan: No WAHM is an Island

This is an essential part of anyone working at home. ‘Di kagaya kung nag tatrabaho ka sa opisina na meron security of tenure, working at home means working for a specific employer for a specific time. Bihira ka makakuha ng pang long-term na trabaho kaya kelangan marami kang kakilala sa field na ito. Sumali ka sa mga online groups kagaya ng  Uragon Online Professional, ito ay isang grupong itinatag online para sa mga Bikolanong working at home. Ang Uragon Online Professional ay binuo rin upang makatulong din mga mommies o na kahit sino na nais din ang ganitong set-up ng trabaho. Makakatulong din ang pag attend ng mga seminars or workshops.  Malay mo, ang kausap mo na pala ay magiging susi for new opportunities, or your future employer.

Mag Paturo! Tell Me & I Forgot, Teach Me & I’ll Learn… 

Kung akala mo alam mo na at ready ka na mag work at home, chances are, marami ka pang dapat matutunan. Mag hanap ka na pwedeng magturo pa sayo ng mga paikot ikot ng ganitong trabaho para maiwasan mo ang mga pitfalls ng pagiging work at home mom. You can ask help from fellow work at home moms (Ehem) na mas matagal na sa ganitong trabaho.

Bahay Mo, Office Mo

Importante rin na mag set-up ka ng home office kahit wala ka pang trabaho na nahahanap. Ika nga, it’s where the business will happen. Kailangan meron kang dedicated na work space para maka trabaho ka ng maayos kahit nasa  bahay ka pa. Pero kaya nga pinili mo maging WAHM dahil gusto mo rin alagaan ang iyong anak, kailangan mo rin mag set-up ng mobile home office. Please read; Why Setting-Up a Mobile Home Office Best Fits WAHMs

Sige, Find Your First Client to Start Your WAHM Life.  

Medyo mahirap sa umpisa kasi marami na rin ang competition. Labanan din to ng portfolio mo lalo kung sa odesk.com ka mag apply, eh as a newbie, wala ka pang maipapakita. So, papasok din dito bakit kelangan mo palawakin ang network mo. Reach out to your network to find your first client. The most important is, galingan mo ang trabaho mo para ma irefer ka sa ibang clients in the future.

Ang ending? Kagaya ng sa movie, sa pagiging WAHM, pag gusto mo, habulin mo at ipaglaban mo din. Mahal mo eh.  Good Luck! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *